Lingguhang Konbokasyon: Tinalakay ang Pagpapatawad, Anunsyo, at Kalusugan ng mga Mag-aaral

Mga anunsyo, at mahahalagang impormasyon ang naging sentro ng Lingguhang Konbokasyon ng Davao del Sur State College noong Agosto 03, 2026. Higit sa lahat, naging paalala ito na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa puso, sa kakayahang magpatawad, at maging bukas sa sariling pag unlad.

Sa pangunguna ng Office of Student Affairs and Services (OSAS), Nagsimula ang programa sa Values Restoration na pinangunahan ni Mitzi Darryl M. Baba, MBA. Tinalakay niya ang “PAGPAPATAWAD” bilang mahalagang pagpapahalaga na nagbibigay daan sa paghilom ng sugat at pagpapanumbalik ng mabuting ugnayan. Binigyang diin niya na bagamat madaling humingi ng tawad, mas mahirap ang tunay na pagpapatawad. Aniya, ang pagkakapit sa galit at sama ng loob ay nagiging hadlang sa kapayapaan ng isip at puso.

Nagbigay rin ng mahalagang paalala si Dr. Jeric Anthony S. Arnado, Direktor ng OSAS, hinggil sa mga nakatakdang programa na gaganapin sa susunod na limang buwan. Sa darating na pasukan sa susunod na linggo, kanyang ipinaalala ang wastong pagsusuot ng opisyal na uniporme ng mga mag-aaral at ang kahalagahan ng pagiging maayos at propesyonal ng mga kawani ng gobyerno sa loob ng kampus upang maging huwaran.

Samantala, ibinahagi ni Dr. Siverlyn D. Camposano, Panagalawang Pangulo para sa Akademikong Gawain, ang naging resulta ng kakatapos lamang na dalawang araw na pre-assessment para sa hangarin ng kolehiyo na makamit ang pagiging ganap na unibersidad. Isang hakbang na sumasalamin sa patuloy na pagnanais ng DSSC na mapaunlad ang kalidad ng edukasyong inihahatid nito.

Isa sa pinakamahalagang bahagi ng programa ay ang paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DSSC at JSD Wellness Clinic sa ilalim ng PhilHealth YAKAP Program. Ipinakilala ni Miss Juliet Solis Dura, Chief Executive Officer ng JSD Wellness Clinic, ang iba’t ibang serbisyong pangkalusugan na mapapakinabangan ng komunidad ng DSSC, kabilang ang konsultasyong medikal, gamot, anti-rabies vaccination, at iba pang serbisyong saklaw ng Philhealth. Inihayag din niya na magsisimula naring magbigay ng mga serbisyong pangkalusugan sa loob mismo ng kampus ang kanilang klinika.

Nagpahayag ng pasasalamat si Dr. Harold D. Fuentes, College Infirmary and Care Center (CICC) Coordinator, sa lahat ng naging katuwang sa pagbuo ng nasabing kasunduan. Ayon sa kanya, ang partnership ay hindi lamang sa papel Kundi isang konkretong hakbang tungo sa mas malusog, mas ligtas, at matatag na komunidad ng DSSC.

Bilang pagtatapos, sa kanyang mensahe, muling ipinagtibay ni Dr. Augie E. Fuentes, Pangulo ng DSSC, ang kahalagahan ng pagpapatawad bilang tanda ng lakas ng loob at malasakit. Hinikayat niya ang kumunidad na “Palaging magpatawad sa sinumang nagkasala sa atin. Kasabay nito, suriin din natin ang mga pagbabagong kailangan nating gawin sa ating sarili upang maging mabuting tao.” Ipinaliwanag din niya na ang isinasagawang faculty assessment ay bahagi ng pagsisikap ng kolehiyo na matiyak na ang bawat guro ay may angkop na kakayahan at sapat na oras upang maihatid ang de-kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral.

Sa kabuuan, ang pangkalahatang assembleya ay naghihigit pa sa isang Lingguhang Konbokasyon. Isa itong paalala na ang paghubog ng isang institusyon ay nagsisimula sa paghubog ng bawat indibidwal sa pagpapatawad, pananagutan, at sama-samang pagkilos para sa kapakanan ng buong komunidad. Kasabay nito, pinagtitibay rin ng mga inisyatiba tulad ng pakikituwang sa JSD Wellness Clinic ang patuloy na pagsulong ng DSSC sa Sustainable Development Goal 3 (Good Health and Well-being) at Sustainable Development Goal 4 (Quality Education).

#OneDSSC #DSSC #DavaodelSurStateCollege #ShapingFuturesBeyondBorders

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts

DSSC Breaks Ground for Graduate Legacy Center

Davao del Sur State College broke ground for its Graduate Legacy Center on October 28, 2026, at the main campus. Officers from the Classes of 2024, 2025, and 2026 were

Scroll to Top
HELP & FEEDBACK